You are here: HomeNews UpdateMore NewsSuspek na pumatay sa pulis wanted sa Masbate

Suspek na pumatay sa pulis wanted sa Masbate

By  Posted in More News Tuesday, 20 August 2013 23:54

NAGA CITY – Mas pinaigting pa ngayon ng mga kapulisan ang imbestigasyon sa pagtukoy sa mga suspect na pumaslang sa isang pulis sa Masbate City.

 

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay S/Supt Heriberto Obias Olitoquit, provincial director ng Masbate PNP, ikinalungkot nila ang pagkawala ni Lique at mas lalong paiigtingin ang paghahanap ng hustisya para rito.

 

Ayon sa opisyal, mas mabuti na anyang bawian ng buhay ang isang kriminal kaysa ang isang pulis na matapat sa kanyang sinumpaang trabaho.

 

Una nang napabalita ang pagkakamatay ni PO1 Anthony Lique matapos pagbabarilin umano ng hindi pa matukoy na 5 armadong kalalakihan 20 metro ang layo mula sa tinitirhang apartment nito sa Pelino Street, Barangay Poblacion, Monreal, Masbate.

 

Papunta sana sa himpilan ng pulis ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo nang atakihin ng mga suspek.

 

Nagtamo ito ng maraming tama ng baril sa kanyang katawan dahilan para sa agaran nitong kamatayan.

 

Narekober sa lugar ng pinangyarihan ang 15 cartridge cases ng calibre .45; apat na deformed slug ng calibre .45 pistol at apat na piraso rin ng fragmented slugs na pinaniniwalaang mula sa calibre .45 pistol.

 

Hanggang sa ngayon ay blangko pa rin ang mga kapulisan sa tunay na motibo ng mga suspek maging sa pagkakakilanlan ng mga ito na agad tumakas matapos ang insidente.

Read 434 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.